MPNGRPINGBT

-Phleitz Shane Ramon Francis P. Cano III
-18
-Architecture Student
-Manila, Philippines

July 31, 2012 11:55 pm

kanina, nadukot ang cellphone ng girlfriend ko sa bus.

ang gagaling ng modus ng grupo na yun. yung estilo nila na isisiksik ka nila hanggang di kana makagalaw at dudukutin na cellphone mo. kaya yung mga sumasakay ng G liner dyan tsaka yung napapadaan sa santa mesa, v. mapa or pati dun sa legarda at nasa bus kayo at siksikan, magingat kayo.

dun sa mga magnanakaw, bahala na ang diyos sa inyo. di na kayo nahiya. ang daming nagtatrabaho at nagkakayod para mabuhay. partida wala yung pinipili. yung iba pa nga may kapansanan pa eh. tapos kayo na kumpleto ang katawan at gagamitin nyo lang sa masamang gawain at mamemerwisyo pa ng iba? mahiya naman kayo!

sa mga pulis kanina na nakausap namin nung nagpa blotter kami, sana bantayang mabuti ang lugar na yun specially sta. mesa malapit sa SM at sa v mapa station ng LRT 2. at pakibantayan na din ang mga bus na nagpapasakay at bumababa sa lugar na yun. 3x na akong naka encounter ng pagnanakaw sa mga bus dun sa lugar na yon. madaming siraulo sa lugar na yun. tandaan, grupo yun ng mga lalake. ang modus, madalas sila sa siksikan na bus at sinisiksik nila ang victim para di mapansing nadukutan na pala. at disente pa manamit!

kaya sa mga napapadaan sa nabanggit kong mga lugar or kahit saan mang lugar, magingat.

March 22, 2012 8:00 pm March 21, 2012 9:35 pm March 15, 2012 1:36 am March 13, 2012 12:17 am March 12, 2012 11:49 pm